-- Advertisements --

akg

Napatay ang isang dating pulis matapos makaengkuwentro ang mga tauhan ng PNP- Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa isinagawang operasyon sa Pampanga.

Kinilala ni PNP-AKG director B/Gen. Jonnel Estomo ang napatay na si ex-Patrolaman Rolando Basmayor Jr., nakatalaga noon sa Quezon City Police Disrict (QCPD).

Ayon kay Estomo, magsisilbi lamang sana sila ng warrant of arrest kahapon laban kay Basmayor dahil sa kasong murder nang paputukan umano nito ang mga pulis na aaresto sa Brgy Sta. Monica, bayan ng Floridablanca, Pampanga.

akg4

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP AKG spokesperson Maj. Rannie Lumactod, sinabi nito ang pag-neutralize sa dating pulis ay bunsod ng pinalakas na intelligence monitoring.

Sinabi ni Lumactod, nakipagbarilan pa umano ang suspek sa mga otoridad dahilan kaya nag-retaliate ang mga arresting officers.

Aniya, nagawa pang isugod sa ospital si Basmayor sa Romana Pangan District Hospital subalit hindi na ito umabot at idineklarang dead on arrival.

akg1

Una anng nasibak sa serbisyo si Basmayor matapos siyang iturong nasa likod sa pagpatay sa isang Jaypee De Guzman sa Brgy. Sumanding, San Rafael, Bulacan noong February 19, 2020.

Nabatid na si Basmayor ay nasa number 2 most wanted person ng Malolos, Bulacan at kasapi rin ng gun for hire group na nag-o-operate sa gitnang Luzon.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang 9mm pistol, 11 live ammunitions, limang fired cartridge case ng 9mm, dalawang fired cartridge cases ng cal. .45, black silencer, pieto Beretta at ang isang PNP issued firearms at iba pa.

Ayon kay Lumactod, sana magsisilbing aral din ito sa mga dating pulis na nasasangkot sa mga criminal activities na hindi sila tatantanan ng pambansang pulisya.