Wala umanong ginawang hakbang si dating Pope Benedict XVI sa apat na kaso ng child abuse na kinasangkutang ng pari noong ito ay nakatalaga bilang arsobispo ng Munich, Germany.
Sa lumabas na ulat ng German law firm na Westpfahl Spilker Wastl na commissioned ng Simbahang Katolika Dalawa sa nasabing kaso ay naganap noong nanunungkulan pa si Pope Benedict o Josef Ratzinger.
Naging arsobispo kasi si Ratzinger sa Munich mula 1977 hanggang 1982.
Sinab ni Atty. Martin Pusch na nabigyan na ang dating Santo Papa ng kopya ng kanilang pagsisiyasat.
Itinanggi rin ni Pope Benedict na wala siyang ginawang anumang hakbang sa reklamo ng child abuse na kinasasangkutan ng kaniyang mga pari.
Tiniyak naman ng Vatican na kanilang pag-aaralang mabuti ang detalye ng ulat kapag ito ay tuluyan ng nailathala.
Magugunitang nagbitiw si Ratzinger bilang Santo Papa noong 2013 dahil umano sa kapaguran.
Sa kasalukuyan ay nasa Vatican ang 94-anyos na si Ratzinger bilang pope emeritus.