Humingi ng kapatawaran si dating Poepe Benedict XVI dahil sa hindi agad nitong pagtugon sa mga child sex abuse noong ito ay namumuno pa bilang arsobispo ng Munich.
Sa sulat ng 94-anyos na dating Santo Papa ay labis ito ng nalulungkot sa sinapit ng mga biktima.
Dahil sa sobrang pagkadismaya aniya ay humihingi ng kapatawaran sa mga nabiktima ng child sex abuse.
Itinanggi nito na kaniyang pinagtakpan ang mga kaso dahil sa sangkot ang mga pari at opisyal ng simbahan.
Kasagutan ito ng Santo Papa sa ginawang imbestigasyon ng Germany ukol sa paghawak nito ng mga kaso ng pang-aabuso na ang sangkot ay mga opisyal ng simbahan noong 1980.
Magugunitang bumbaba sa puwesto si Benedict bilang Santo Papa noong 2013 dahil sa isyu ng kaniyang kalusugan na pinalitan siya ni Pope Francis.