Sumakabilang buhay na ang dating NBA All-Star na si Cliff Robinson sa edad na 53.
Ang nasabing balita ay kinumpirma ng University of Connecticut (UComm) Huskies sa isang pahayag sa social media.
Si Robinson, na nakilala sa kanyang trademark headband, ay iginugol ang kanyang 19 season sa NBA suot ang uniporme ng Portland Trail Blazers, Phoenix Suns, Detroit Pistons, Golden State Warriors at New Jersey Nets.
Pasok din sa 1994 NBA All-Star Game si Robinson at napasama rin sa dalawang NBA All-Defensive second teams kung saan naglista ito ng average na 14.6 points at 4.6 rebounds sa 1,380 career games, na ika-13 pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA.
Ang 1993 NBA Sixth Man of the Year din ay nagbulsa ng NIT title sa UConn, na iniretiro ang kanyang No. 00 jersey noong 2007.
“The UConn Basketball family mourns the loss of a legendary player and person, Clifford Robinson,” saad sa pahayag. “Our thoughts and prayers are with Cliff’s family at this difficult time.”