Inamin mismo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-11 pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Eepresentantes na umabot siya sa puntong tinataniman nito ng ebidensiya ang isang pinaghihinalaang kriminal noong panahon na siya pa ang Mayor ng Davao City.
Ang pag-amin ni Duterte ay nangyari sa huling bahagi ng question and answer na ipinukol sa kaniya ng co-Chairman ng House Quad Committee na si Santa Rosa Lone Dist. Rep. Dan S. Fernandez kung saan una nitong itinanggi subalit inamin narin ng dating Pangulo sa isang interview noong 2016.
Binawi ng dating Pangulo ang kaniyang pagtanggi matapos ipakita sa kaniya ang isang video footage ng nangyaring interview sa kaniya.
“Hindi po totoo yung nasa video?”. Tanong ni Fernandez. Subalit inamin ni Duterte na totoo ang nasa video sa pagsasabing. ” Totoo iyan”.
Gayunman, ikinatuwiran naman ni Duterte na ang pagtatanim nito ng ebidensiya ay bahagi lamang ng estratehiya bilang Mayor at leader ng isang law enforcement agency.
Nang muling tanungin ng kongresista kung totoo bang nagtatanim ito ng ebidensiya sa mga kriminal. Sinbi nito na: “Well, that was part of the strategy as a Mayor and as the leader of a law enforcement agency in the City”.
” Mr. President, mayroon po kayong sinabi nung 2016 sa interview niyo po that you have planted evidence during your time as a fiscal. Is this true?” tanong ni Fernandez kay Duterte.
Subalit itinanggi ni Duterte sa pagsasabing; “That’s garbage, Sir”.
Gayuman, mistulang inamin din ng dating Pangulo matapos nitong ipahayag na: ” Alam ng mga police yan. Yung planting of evidence”.