-- Advertisements --

Nakatakdang bisitahin anumang oras ngayong araw ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Sen. Leila de Lima sa PNP Custodial Center.

Ito ay matapos na naisumite na umano ng HQ Support Service ang letter request ng dating pangulo at hinihintay na lamang ang approval ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa.

Samantala,isang misa ang idadaos sa loob ng PNP Custodial Center kaalinsabay ng paggunita ng mga Katoliko ng ash wednesday na hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

Pangungunahan ni Fr. Robert Reyes ang misa mamayang alas-3:00 ng hapon kung saan inaasahang dadalo ang mga nakapiit sa custodial center partikular si De Lima.

Nauna nang nagdaos ng misa si Fr. Reyes noong linggo sa loob ng custodial center dalawang araw matapos maaresto ng CIDG si de Lima dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa NBP.