-- Advertisements --

Nanawagan ng pagdarasal si dating pangulo at ngayoy Pampanga 2nd Distrtict Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Ito ay dahil sa nahaharap sa malaking hamon sa kanilang kalusugan ang asawa nitong si Mike at anak nitong si Mikey.

Ang dating first gentleman kasi ay sasailalim sa major surgery sa Abril 7 dahil sa problema sa puso.

Sinabi nito na ang dissecting aortic aneurism na inoperahan noong 2007 ay muling lumaki kaya kinailangan ng pinagsamang bypass at aortoplasty.

Habang ang anak nitong si Mikey ay sumailalim na sa operasyon dahil sa stage one thyroid gland cancer noong Marso 18.

Dagdag pa nito na ang kaniyang nephew-in-law na si Paowee Tantoco ay pumanaw na rin.

Nakatakda itong magtungo sa Singapore para sa operasyon ng kaniyang asawa.