-- Advertisements --

Pinuna ni dating US President George W. Bush ang ginawang pagpatanggal ng mga sundalo nila at sundalo ng NATO sa Afghanistan.

Sinabi nito na ang isang hindi maganda ang nasabing hakbang at ito aniya ay isang malaking pagkakamali.

Lubos na maaapektuhan dito ang mga kababaihan na hindi agad mailabas ang kanilang mga hinaing.

Parang pababayaan aniya ng US ang mga tao sa Afghanistan na sila ay patayin ng mga terorista sa lugar.

Ang pahayag na ito ni Bush ay kasunod ng desisyon ni President Joe Biden na mapapaaga ang pag-alis ng mga sundalo ng US sa Afghanistan sa orihinal na petsa na itinakda na Setyembre 11.