-- Advertisements --

Tinawag ni Senator Christopher “Bong” Go na fake news ang mga naglabasang balita na patuloy ang paghina ng kalusugan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbahagi ng larawan ang senador ng dating pangulo habang kasama ang partner na si Honeylet Avancena.

Makikita sa larawan na nasa hapag kainan ang dating pangulo kung saan sinabi ng senador na “Alive and Eating”.

Magugunitang noong nakaraang buwan din ay nagpost din ito ng video habang kasama ang pangulo matapos ang pagkalat ng balitang ito ay nakaratay sa higaan at hindi na makatayo.