-- Advertisements --

Bumisita sina dating pangulo Rodrigo Duterte at Senator Bong Go, kamakailan sa opisina ni Iglesia ni Cristo (INC) Pulong Tagapamahala Eduardo Manalo.

Ayon kay Go, ang nasabing pagpupulong ay upang pasalamatan ang INC sa mga naiambag umano nitong tulong noong kasagsagan ng pandemya.

Kinilala rin ng senador ang commitment ng INC sa public service.

Dagdag pa rito ang naging pagbati sa kaarawan ni Manalo kahit sa Octubre 31 pa ang mismong okasyon.

Hiling nito para sa Punong Tagapamahala ang mabuting kalusugan at ang ‘walang batid na paglilingkod sa Diyos at sa buong sambayanang Pilipino.