-- Advertisements --

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang naging kalagayanng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong gabi ng Martes oras sa Pilipinas ng dumalaw ang bise presidente sa ama.

Sinabi nito na nasa pagamutan pa rin siya sa loob ng pasilidad ng International Criminal Court (ICC) at hindi pa rin naililipat sa kaniyang nakatalagang kuwarto.

Nasa ‘high-spirit’ umano ang ama at nakakakain ito tama dahil mayroong kanin na inihain.

Tuloy-tuloy din ang pagpupulong ng bise presidente sa mga abogado ng ama mula ng madala ito sa the Hague sa Netherland.

Magugunitang noong Marso 12 ng inaresto ang dating pangulo dahil sa war against humanity dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga sa kaniyang termino.