-- Advertisements --
Hindi maiwasan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na batikusin ang National Security Council dahil sa pagpatol sa banta ng anak nitong si Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ng dating pangulo na dapat ay hindi patulan ito at huwag ituring na banta sa seguridad ang nasabing pahayag ng bise presidente.
Dagdag pa nito na nadismaya ito sa dating security adviser niya na si dating General Eduardo Año sa pagsawsaw sa Isyu.
Magugunitang itinuturing ni Año na isang national security concern ang ginawang pagbabanta ni Vice President Sara.
Una rito ay minaliit ng dating pangulo ang naging banta ng kaniyang anak kay Pangulong Ferdinand Marcos jr.