-- Advertisements --

Hindi makakadalo sa Quad Committee hearing si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa abogado ni Duterte na si Atty. Martin Delgra, masyadong maikli ang panahon mula ng matanggap nila ang imbitasyon at ang mismong araw ng pagdinig.

Kailangan din umanong ikonsidera ang kondisyon ng dating pangulo dahil sa edad nito, kalusuugan at magiging byahe.

Nabatid na kagagaling lamang sa Metro Manila ni Duterte dahil sa ilang pagpupulong.

Posible namang humarap ito sa hearing kung may schedule pa sa susunod na buwan.