-- Advertisements --

Hindi sumipot kaninang hapon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa QC Prosecutor’s Office para sa unang preliminary investigation sa kasong grave threats na inihain laban sa kanya ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro.

Dalawang abogado naman ng dating punong ehekutibo ang kumakatawan at humarap para sa kanya .

Ayon sa kampo ni Duterte, wala silang natanggap na anumang subpoena mula sa QC Prosecutor’s Office pati na ang umanoy complaint sheet..

Dahil dito, humingi na lamang ng palugit na sampung araw ang mga abogado ng dating pangulo upang makapag sumite ito ng counter affidavit.

Samantala, personal rin na nagtungo si ACT Teachers Party-List Rep. France Castro sa QC Prosecutor’s Office para sa naturang preliminary investigation.

Aniya, nakapag sumiti na siya ng mga supplemental complaint-affidavit kaugnay sa naging pahayag ni Duterte laban kanya.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Rep. France Castro.

Una rito ay nagsampa ng kasong grave threat ang Makabayan Bloc Solo na si Rep. France Castro dahil sa naging pagbabanta umano ng dating pangulo sa kanyang buhay.

Hamon rin noon ng mambabatas kay Duterte na tigilan na ang pagdadrama at harapin nito ang reklamong inihain laban sa kanya.

Giit ni Castro, abogado ang dating pangulo at dapat alam nito ang proseso ng batas at dapat na pumaloob siya rito.

Naniniwala rin ito sa rule of law bagamat aminado siya na mabagal ang ang justice system sa bansa.

Samantala, muli namang itinakda ang paunang pagsisiyasat ng naturang kaso sa Disyembre 15 ng kasalukuyang taon.