Hindi nagpahayag ng pagkabahala si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa balitang paglabas na ng warrant of arrest nito mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga overseas Filpino workers sa Hong Kong, sinabi nito na alam na nitong marami itong patong-patong na kaso.
Giit nito na matagal na siyang hinahabol ng ICC at sinabing wala itong kasalanan dahil ginawa lamang niya ang trabaho para magkaroon ng katahimikan at mapayapa ang buhay ng mga Pilipino.
Ginawa aniya nito ang mga alegasyon na ito para sa kapakanan ng bansa.
Nagbiro pa ito sa mga OFW na kung maari ay magkontribusyon sila para paglaya niya ay pagagawan siya ng rebolto katabi ni Dr. Jose Rizal.
Una ng sinabi ng Palasyo ng Malacanang na handa silang makipag-koordinasyon sa interpol sakaling lumabas ang warrant of arrest laban sa dating pangulo.