-- Advertisements --
DATING PANGULONG DUTERTE

Hinikayat ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Tsina at iba pang mga bansa na claimants sa ilang rehiyon ng WPS na magkaroon ng diplomatikong kasunduan sa pamamagitan ng United Nations sa halip na patuloy itong mag-away-away.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Duterte na hindi solusyon ang tunggalian at hindi kailanman magiging mas magandang opsyon para malutas ang isyu tungkol sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Duterte na palaging mayroong arbitration , kung saan maaaring lutasin ng lahat ang usapin sa ibang mga bansa sa isang bargaining table.

Dagdag pa niya, maaari nilang ibahagi o hatiin ang West Philippine Sea kung ito ay mabuti.

Sa isang nakaraang forum sa Singapore, binalaan ni Prime Minister Lee Hsien Loong ang mga Pilipino at tinanong kung sila ay kumpiyansa sa pagsali sa isang labanan kung saan sila ay magiging battleground .

Ginawa ni Lee ang pahayag bilang tugon sa mga katanungan tungkol sa tumitinding tensyon sa WPS.

Sumang-ayon ang dating punong ehekutibo sa pahayag ng Punong Ministro ng Singapore.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa West Philippine Sea na inaangkin ng bansang China.

Top