Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na noong siya ay mayor sa Davao ay inuutos nitong patayin ang mga kriminal kapag nanlalaban.
Aniya, hindi naman maaaring hayaan na ang mga pulis ang mapaslang ng criminal elements.
Gayunman, mariin nitong itinanggi ang pagkakaroon ng ‘Davao Death Squad’ (DDS).
Giit naman ni former Senator Leila De Lima, may mga ebidensya na nagsasabing totoo ang ‘DDS’.
Ang nasabing grupo ang siya umanong responsable sa pamamaslang, alinsunod sa utos ni Duterte.
Samantala, ipinagtanggol naman ni dating chief presidential counsel Atty. Salvador Panelo si Duterte.
Sinabi nitong hindi illegal ang nangyaring ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.
Aniya, ginawa lang ng dating pangulo ang kaniyang trabaho para protektahan ang mga Pilipino laban sa ipinagbabawal na gamot.