-- Advertisements --
Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng reward system sa implementasyon ng kaniyang war-on-drugs noong panahon niya.
Sinabi nito na tuwing may matagumpay na accomplishment ang mga kapulisan ay kaniyang pinapakain lamang at binibigyan ng bote ng alak.
Hindi umano tumatanggap ng pera ang mga kapulisan dahil sa nahihiya umano ang mga ito.
Reaksyon ito ng dating Pangulo sa alegasyon ni retired police colonel Royina Garma na mayroong cash reward ang mga kapulisan sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Naglalaro mula P20,000 hanggang P1-milyon ang mga perang ibinibigay ni Duterte sa mga kapulisang may matagumpay na accomplishment sa war on drugs.