-- Advertisements --

Pinabulaanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago sa kaniyang bahay si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang bigong paghahanap ng mga otoridad sa Pastor noong suyurin ang kinaroroonan nito sa lungsod ng Davao.

Dagdag pa ng dating pangulo na maraming mga bahay sa Davao si Quiboloy kaya marapat na magtiyaga ang mga otoridad sa paghahanap dito.

Magugunitang isa ang dating pangulo na itinuturing na kalapit ni Quiboloy lalo na noong kaniyang administrasyon.