Maaaring magsampa ng kaso maging ang mga ordinaryong Pilipino laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang panawagan para sa paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, ayon kay former lawmaker na si Barry Gutierrez.
Ipinunto ng dating tagapagsalita ng dating bise presidente na si Leni Robredo na alinman sa pangulo, gobyerno, o ordinaryong Pilipino ay maaaring bigyan ng aksyon ang dating punong ehekutibo.
Paliwanag ni Guitierrez, sa ilalim ng Revised Penal Code, ang mga ganoong klase ng pahayag ay maaring ituring na isang paglabag sa Article 142, o inciting sedition.
Kung maalala umano ani Gutierrez, ang dating pangulo, sa isang talumpati sa isang anti-Cha-cha rally sa Davao City noong nakaraang buwan, ay hinimok ang mga militar na kumilos laban sa anumang pagtatangkang baguhin ang Konstitusyon. Kasabay nito sinabi rin ni Duterte na dapat ihiwalay ang Mindanao sa ibang bahagi ng bansa.
Ani Guitierrez, sa sino mang nakapakinig noon, nakasubaybay, at naalarma dahil sa sinabi ng dating Pangulo, ay posibleng magsampa ng kaso.
Ang Revised Penal Code’s Article 142 ay tumatalakay sa mga gawaing maaaring magpapahina sa pamahalaan o maghikayat sa mga mamamayan na makisali sa mga kilusan na naglalayong ibagsak ito o baguhin ang territorial integity ng bansa.
Matatandaan rin na ang mga pahayag ni Duterte ay nangyare kasabay ng pag-akusa niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na drug addict at bangag sa gitna ng pagtulak sa People’s Initiative (PI) na amyendahan ang Konstitusyon na pinamumunuan umano ng pinsan ng pangulo na si House Speaker Martin Romualdez.