-- Advertisements --

Nagkaroon ng sapat na pahinga at natatakam na sa mga pagkaing Pinoy ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ibinahagi ni Vice President Sara Duterte sa pagbisita niya sa ama na nasa the Hague, Netherlands.

Nagkausap sila sa visitors area ng pasilidad kung saan nakatulog umano ang dating pangulo at nakapanood ito ng telebisyon.

Isinagawa ng bise ang pagbisita sa ama bago ang pagharap nito sa ICC Pre-Trial Chamber I na binubuo nina Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc and judges Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera.

Pinayagan na lamang nila ang 79-anyos na si Duterte sa video link at hindi na personal na dumalo sa pagdinig.