-- Advertisements --

Nakarating na ang chartered flight na sinakyan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague Airport sa The Netherlands.

Lumapag ang flight RP-C5219 sa nasabing paliparan dakong 11:55 ng gabi ng Miyerkules oras sa Pilipinas.

Inaasahan na agad itong dadalhin sa International Criminal Court.

Magugunitang inaresto ng International Criminal Court ang dating pangulo dahil sa crimes against humanity bunsod ng kaniyang anti-drug campaign.