Hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang consular officer ng Embahada ng Pilipinas sa The Netherlands.
Ayon sa Embahada na nakatanggap sila ng tawag sa dating Pangulo dakong 10:44 nitong gabi ng Huwebes oras sa Pilipinas ukol sa hiling nito.
Dagdag pa nito na sumailalim siya sa medical check-up at naging mabuti naman ang lagay ng kaniyang kalusugan.
Humirit din ito sa Registry ng International Criminal Court na magsagawa sana ng Consular visit.
Kasama rin na hiniling ng dating pangulo na kung maaari ay bisitahin siya ng kaniyang mga abogado at miyembro ng pamilya.
Kinumpirma rin ng Embahada na nakausap ng dating pangulo ang dating Executive Secretary Salvador Medialdea na tumatayo rin bilang isa sa mga abogado niya.
Una ng ikinabahala ni Medialdea na hindi nito nakita ang dating pangulo ng noong bumisita siya sa The Hague Penitentiary Institution subalit sinabi ng ICC na nagtungo lamang sila sa pagamutan kasama si Duterte para mapa check up.