Nanguna si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) at 30 iba ang inimbitahan sa war-on-drugs investigationi ng senado sa araw ng Lunes.
Gaganapin kasi sa araw ng Lunes, Oktubre 28 ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommitee na pangungunahan ni Senator Koko Pimentel.
Bukod kay Duterte ay naimbitahan din si dating senador Leila De Lima at ilbang mga personalidad gaya nina dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at retiradong police Col. Royina Garma at dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog .
Naniniwala naman ni Senator Joel Villanueva na siyang vice chair ng subcommittee na ang presensiya si Duterte ay mahalaga at pagtitiyak na may pag-respeto ang pagdinig.
Una ring sinabi ni Pimentel na sapat na ang tatlong pagdinig para sa nasabing usapin ng war-on-drugs.