-- Advertisements --

Nanawagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat igalang na lamang ang desisyon ng korte na ibasura ang drug case laban kay dating Senador Leila De Lima.

Ayon sa dating pangulo na ang nasabing kaso ni De Lima ay nagpapakita lamang na gumagana ang demokrasya sa bansa.

Reaksyon ito ng dating pangulo sa pag-apruba ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 ng demurrer dahil sa kabiguan ng prosecutors na patunayan ang kaniyang kaso.

Magugunitang pinag-aaralan na rin ni De Lima ang mga susunod na hakbang laban kay Duterte at ilang indibidwal na nasa likod ng kaniyang pagkakakulong.