-- Advertisements --

Personal na nagtungo sa Talisay, Batangas si dating Pangulong Rody Duterte.

Dito ay nakiramay siya sa mga pamilya ng mga biktima ng bagyong Kristine na namatay mula sa landslide noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.

Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division at Public Assistance Division para magbigay ng Burial Assistance para sa mga apektadong pamilya.

Sumali rin siya sa Relief Operations ng OVP Disaster Operation Center sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

Si dating Pangulong Duterte kasama ang mga opisyal ng OVP sa pangunguna nina Director for Operations Norman Baloro at G. Eyemard Eje, hepe ng OVP-DOC, ay nag-abot ng burial assistance sa mga pamilya ng mga biktima ng landslide.

Nakiisa rin si FPRRD sa relief operations ng OVP-DOC sa iba’t ibang evacuation centers sa Talisay at Laurel, Batangas.

Mahigit 1,400 pamilya ang nabigyan ng relief bags sa mga nasabing lokalidad sa Batangas.