Pinuri ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumuno ngayon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sa kaniyang naging talumpati sa pagpupulong ng kaniyang partidong Partido Demokratiko Pilipino and Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), sinabi nito na may maganda itong performance at tagumpay na nakikita sa kasalukuyang administrasyon.
Dagdag pa nito na kumpara noong ang ama ni Pangulong Marcos ang namumuno ay maraming mga panunupil ang nasabing nangyari.
Naniniwala din si Duterte na basta hindi lamang sirain ng ibang kaalyado ni Pangulong Marcos ay magiging mapayapa ang bansa.
Una rito, sa mga nakaraang Hakbang ng Maisug rally, naging vocal ang Duterte supporters sa pagpapa-resign kay Pangulong Marcos.
Maging sa ibang mga bansa na mayroong organisadong Maisug groups ay dati ring ipinanawagan ang pagbibitiw ng chief executive.