DAVAO CITY – Sinaway ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kapulisan ng Davao City.
Ayon sa dating pangulo “inefficient” o palpak ang kapulisan sa pagresolba sa mga nangyaring kriminalidad sa syudad.
Inihayag din nito na mistula umanong napasokan na rin ng droga ang kapulisan.
Dagdag pa ni Duterte na kailangan pang higpitan sa kapulisan ang kanilang presensya sa pampublikong lugar sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanilang foot patrol nitong lungsod.
Importante umano na may dalawa o tatlong mga police officers ang magpapatrolya sa paligid lalo na sa gabi, upang mapanatag ang mga residente at malimitahan ang galaw ng mga kriminal.
Maalalang, nauna ng sinaway ni FPRRD ang police force ng Davao City sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Bragas rape-slay case. Kung saan binantaan ng dating Pangulo ang kapulisan na susugurin niya ito sa presinto, pagtatadyakan at hahamunin ng barilan.