-- Advertisements --

Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong laban ang kaniyang mga kandidato sa PDP Laban kung bigyan siya ng pantay na laban ng kasalukuyang administrasyon ay may tsansang manalo ang mga kandidato nito sa partido.

Isinagawa ng dating pangulo ang pahayag sa pagtitipon ng kaniyang partido sa lungsod ng Davao na dinaluhan ng mga senador na kapartido nito at ilang mga local na kandidato na tatakbo sa halalan sa Mayo.

Aminado ito na malaking hamon sa kanila ang pondo para kampanya kaya nagtulong-tulong sila para makalikom ng pondo para sa pangangampanya ng kaniyang mga kandidato.

Hinikayat din ng dating pangulo ang PDP Laban members na huwag matakot at maging biolyente dahil mahalaga ang pagpreserba ng demokrasya.