-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na wala sa International Criminal Court Detention Center si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na personal na sana nitong dadalawin ang dating pangulo sa Schevenigen, The Hague para pakiusapan na kung maaari ay dalhin ito sa pagamutan.

Pumayag umano ang ICC subalit hindi ipinag-alam kay Medialdea kung saan pagamutan ito dinala.

Giit ng dating opisyal na bgo pa man sila dumating sa The Hague ay sinabihan na niya ang ICC na dapat dalhin ang dating pangulo sa pagamutan.

Tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ICC para malaman ang tunay na lagay ng dating Pangulo.