-- Advertisements --
Inihayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang interest ang kaniyang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na makipag-alyansa sa partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na – Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Ayon sa dating pangulo na mas magandang mag-isa na lamang ang kaniyang partido kaysa sa sumanib sa iba.
Sakaling magkaroon ng aberya ay wala na aniyang iintindihin na iba ang kaniyang partido.
Reaksyon ito ng dating pangulo ukol sa pagsanib puwersa ng ilang mga political party sa bansa sa PFP na partido ng kasalukuyang administrasyon.