-- Advertisements --

LULI

Ikinagalak ni Senior Deputy Speaker at dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, matapos kumpirmahin ng Commission on Appointment (CA) ang appointment ng nagkaniyang nag-iisang anak na babae na si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo-Bernas bilang Philippine Ambassador to Austria.

Ayon kay Congresswoman Arroyo na “highly-qualified” ang anak na si Arroyo-Bernas sa nasabing pwesto.

Pinasalamatan ni Arroyo si Pangulong Bongbong Marcos sa pag-appoint nito kay Luli.

Sinabi pa ng dating Pangulo na siya at maging ang kaniyang asawa na si Miguel Arroyo ay proud sa naging achievement ng kanilang tatlong anak.

Si Arroyo-Bernas ay itinalaga ni Pangulong Marcos Jr bilang ambassador extraordinary and plenipotentiary of the Philippines to the Republic of Austria.

Ang nasabing pwesto ay may concurrent jurisdiction sa Republic of Croatia, Republic of Slovenia at Slovak Republic.

Kinumpirma ng 25-member ng Commission on Appointment (CA) nuong December 7,2022 ang appointment ni Ambassador Arroyo-Bernas.

Si Ambassador Arroyo-Bernas ay mayruong Master of Science in Foreign Service degree mula sa Georgetown University sa Wahington D.C sa Amerika at siyang chair ng board of trustees ng National Museum bago pa ang kaniyang appointment bilang envoy.

Binigyang-diin naman ni Macapagal-Arroyo, na isa si Luli sa tatlong passers sa mahigit tatlong libong examinees na kumuha ng pinaka mahirap na exam for Foreign Service Officer (FSO) nuong taong 2000.