-- Advertisements --

Itinanggi ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nakipagpulong ito kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Base sa nasabing lumbas na mga usapin na naganap umano ang pagpupulong sa isla ng Balesin.

Sinabi ng staff ng dating pangulo na si Kris Sunga na walang anumang pagpupulong ang naganap sa dalawang kampo.

Itinuturing kasi na malakas pa rin ang impluwenisya ng dating pangulo lalo na noong nakuha nito ang pagkaka-Speaker of the House noong 2018.