-- Advertisements --
Inatasan ng South African High Court si dating Pangulong Jacob Zuma na bumalik sa kulungan.
Noong Setyembre kasi ay pinayagan ng korte na makalabas ang dating South African President para makapagpagamot sa hindi na tinukoy na sakit nito.
Inamin ng korte na nagkamali sila sa desisyon na payagan na makalabas ang 79-anyos na dating pangulo matapos ang ginawang pag-aaral.
Nahaharap kasi sa 15 buwang pagkakakulong ang dating pangulo dahil sa contempt of court ng hindi siya dumadalo sa pagdinig sa kasong kurapsyon na inihain sa kaniya.
Nitong Hulyo 7 ay boluntaryong sumuko ang dating pangulo.