Nagtala ng record sa kasaysayan si dating US President Jimmy Carter.
Nitong Oktubre 1 kasi ay nagdiwang siya ng ika-100 na kaarawan.
Dahil dito ay siya na ang unang American president na umabot ng 100 taon.
Nagsimula itong maging pangulo noong 1981 hanggang matalo sa reelection sa edad na 56.
Naging abala ito pagkatapos ng pagiging pangulo dahil sumabak siya sa peace mission sa Cuba at Middle East, kung saan namuno sa pagpapalaya ng mga hostages.
Nagturo din ito sa paaralan at kolehiyo, sumulat ng libro at nagwagi sa Grammys.
Tumulong din siya para tuluyang masawata ang Guinea worm na isang parasite na naka-impeksyon sa nasa 3.5 milyon katao noong mid-80.
Taong 2002 ng magwagi bilang Nobel Peace Prize.
Nanguna naman si US President Joe Biden at dating US President Barack Obama na bumati kay Carter.