-- Advertisements --
Hindi makakadalo sa inauguration ni US President-elect Donald Trump si dating first lady Michelle Obama.
Ayon sa kaniyang opisina na tianging makakadalo sa inauguaration ay si dating Pangulong Barack Obama.
Hindi naman na sila nagbigay ng anumang dahilan sa hindi pagdalo ni dating unang ginang.
Nagiging tradisyon na kasi na sa tuwing may bagong umuupong pangulo ng US at dinadaluhan ito ng mga dating pangulo at kanilang mga asawa.
Nagkumpirma na dadalo sa inauguration ni Trump ay sina dating President George W. Bush at asawang si Laura Bush ganun din si dating Pangulong Bill Clinton at Hillary Clinton.
Magugunitang makailang beses na binatikos ni Michelle Obama si Trump na inilagay niya umano sa kapahamakan ang kanilang buhay.