-- Advertisements --
Dumami pa ang mga nakukuhang endorsement si US Vice President Kamala Harris para sa pagtakbo nito sa pagkapangulo sa Nobyembre.
Naglabas ng pinagsamang pahayag si dating US President Barack Obma at asawang si Michelle na nagsabing mararapat na talagang mamuno si Harris.
Isa si Obama ang sinasabing 100 na mga prominenteng Democrats na kinausap ni Harris matapos na ianunsiyo ni President Joe Biden na ito ay aatras na sa pagtakbo ng pangulo.
Tiniyak ng Obama na kanilang gagawin ang lahat para manalo si Harris.
Ipinakita rin ng dating pangulo ang video kung saan kausap nila si Harris na nagpapatunay ng kanilang pag-endorso.
Dahil ito ay nakakuha na maraming mga Democrats para sa kanilang gagawing convention sa buwan ng Agosto.