Nilinaw ngayon ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan kaugnay sa ulat na siya ang nangunguna sa planong pagtanggal sa pwesto kay Speaker Martin Romualdez.
Una ng inihayag ni Arroyo na prerogative ng House leadership ang pagkakatanggal sa kaniya bilang senior deputy speaker.
Subalit hindi napigilan ng dating Pangulo na maglabas muli ng pahayag dahil may nakarating na impormasyon sa kaniya na siya ay pinagsususpetsahan na nagbabalak ng coup de tat o patalsikin si House Speaker Martin Romualdez sa pwesto.
Sinabi ni Arroyo na posibleng na misconstrued o mali ang pagkakaindtindi sa kaniyang mga naging aksiyon partikular ang naging biyahe nito kasama ang ilang mambabatas sa Korea para sa isang official meetings.
Binigyang diin ng dating Pangulo na malinaw ang kaniyang tatlong political objectives:
Una para i-representa ang 2nd district of Pampanga.
Pangalawa suportahan ang legislative agenda ni Speaker Romualdez at Pangulong Marcos.
Pangatlo, gamitin ang kaniyang experience bilang dating pangulo at tumulong sa administrasyon.
Bukod sa kaniyang role bilang Congresswoman, isa sa kaniyang public interest ay tumulong na pahupain ang tensions sa pagitan ng United States at China, kung saan kaparehong kaalyado nito ang dalawang bansa nuong siya ay Pangulo.
Binigyang-diin ni Arroyo na wala na sa kaniyang political objectives na maging speaker ng Kamara simula ng maupo sa pwesto si Speaker Romualdez sa 19th Congress.
” When I learned that there were reports that I was suspected of plotting a “coup” against Speaker Romualdez, I decided I must speak out to clarify my political position. Indeed, some of my actions may have been misconstrued, such as my recent trip with a delegation of Congressmen to Korea for some official meetings,” pahayag ni Rep. Gloria Arroyo.
Matapos ang biglaang pagtanggal sa pwesto kay dating Pangulo at ngayong Pampanga Representatvie Gloria Macapagal Arroyo bilang senior deputy speaker, bumulaga naman ang biglang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte sa Lakas CMD party.
Samantala, sa opisyal na pahayag na inilabas ni Vice President Sara Duterte, kaniyang sinabi nasa pwesto siya ngayon dahil sa tiwala ng sambayanang Pilipino na kaniyang pagsisilbihan at ang bansa at hind ito malalason sa political toxicity o ang hindi kaaya-ayang political powerplay na nangyayari ngayon.
Lubos namang nagpasalamat si VP Sara sa kaniyang mga party members na nagpakita ng pagkakaisa.
Tiniyak ni Duterte ang kaniyang buong suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa mga sources ng Bombo Radyo tila may nagaganap na tensiyon sa partido bunsod ng ilang mga isyu na tila hindi nagkakaunawaan.