DAVAO CITY – Nananatiling matatag ang paninindigan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga.
Kung maalala
Matatandaan na tinanggihan ng International Criminal Court ang apela ng ICC sa bansa na itigil na ang imbestigasyon sa pagpatay kaugnay ng war on illegal drugs sa administrasyon ng dating pangulo.
Sa isinagawang 32nd National Convention of the Prosecutors League of the Philippines, sinabi ng dating Pangulo na wala siyang pakialam sa imbestigasyon ng ICC na mag-iimbestiga sa posibleng paglabag sa karapatang pantao noong madugong war on drugs na ipinatupad ng mga awtoridad ilalim ng kanyang administrasyon.
Aniya, ipinatupad lamang ng Pangulo kung ano ang nararapat dapat isip ang lider nga bansa para mabigyan ng solusyon ang problema hingil sa iligal na droga sa bansa.
Matatandaan unang ng ibinunyag ng dating Pangulo sa kanyang panunungkulan na isusugal niya ang kanyang pangalan, karangalan at posisyon para mapuksa ang kriminalidad, partikular na ang problema sa iligal na droga, na una na ipinatupad sa Davao City sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada ng kanyang panunungkulan.