Muling lumitaw sa publiko si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa pamamagitan ng kaniyang ibinahaging 14 na minutong video sa kaniyang social media account nitong gabi ng Lunes.
Ito ay sa gitna ng pag-tag sa kaniya bilang pugante matapos na hindi matunton ng ilang araw ng House Sergeant-at-Arms sa pakikipagtulungan ng PNP nang isilbi ang arrest order ng Kamara sa kaniyang law firm office sa Makati city at 2 residence sa Metro Manila makaraang ma-cite in contempt sa ikalawang pagkakataon sa Quad Committee hearing noong Setyembre 12 dahil sa pagtanggi na magsumite ng mga hinihinging dokumento para i-justify ang paglobo ng kaniyang yaman na iniuugnay sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Subalit, sa naturang video, nanindigan si Atty. Roque na hindi siya pugante sa batas dahil wala umano siyang nilabag.
Inakusahan din ni Roque ang Kongreso ng power tripping kasunod ng cite in contempt at arrest order na inisyu laban sa kaniya.
Samantala, iginiit din ni Roque na hindi kwestiyonable ang kaniyang yaman. Ipinaliwanag niya na ang lupaing dating pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa ParaƱaque city na dati lang umanong taniman ng palay ay naging isa na ngayong subdivision at commercial pa.
Matatandaan na una ng sinabi ni Roque sa pagdinig ng QuadComm noong Agosto 22 na nanggaling ang lumagong yaman nito dahil sa pagbenta ng kanilang family property na isa na ngayong Multinational Village sa ParaƱaque City na isang 1.8 hectare property na kanilang ibinenta sa halagang humigit kumulang P216 million sa Velarde group.
Samantala, nauna na ring sinabi ni Batangas Second District Rep. Gerville Luistro na nakapag-established ng overwhelming circumstantial evidence ang QuadComm na nagpapakita ng koneksiyon ni Attorney Harry Roque sa sinalakay na POGO na Lucky South Corporation sa Porac, Pampanga.