-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging “exaggerated” ang mga pahayag ni dating Pangulong Donald Trump sa unang Presidential Debate nila ni US President Joe Biden para sa 2024 election.

Ito ang naging pahayag ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas sa New Jersey.

Aniya, hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ni Trump kompara sa mga naging pahayag ni US President Joe Biden.

Dagdag ni Ballenas na lahat ng sinabi ni Trump sa debate ay malayo sa katotohanan.

Samantala, hinangaan ni Ballenas ang pagiging kalmado lamang ni Biden sa pagkontra sa mga maaanghang na salita at pahayag ni Trump laban sa kanya.

Iginiit pa ni Ballenas na noong naging pangulo si Trump ay nadagdagan ng mahigit $8-trilyon ang utang ng Amerika.