Sugatan si dating US President Donald Trump sa isinagawang rally sa Butler, Pennsylvania, Sabado ng gabi.
Agad itong isinugod sa hospital matapos makitang dumugo ang kaniyang mukha at tainga.
Batay sa report bumagsak si Trump matapos ang bugso ng isang napakalakas na mga tunog kung saan marinig ang mga sigaw mula sa mga tagapanood habang agad namang pinaligiran ng mga security personnel ang dating pangulo.
Pinapakita naman ni Trump ang pagsigaw nito sa karamihan ng mga tao at nakitang nag pump ng kamao habang siya ay inilalabas palayo.
Ayon sa Secret Service ligtas na ngayon si Trump at nagkakasa na ng imbestigasyon hinggil sa insidente.
Sinabi ni Secret Service chief Spokesperson Anthony Guglielmi, kaagad sila nagpatupad ng mga hakbang at kasalukuyang gumugulong na ang kanilang imbestigasyon.
Sa ngayon hindi pa nabigyan ng briefing si US President Joe Biden hinggil sa insidente.