-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ni dating Pangulong Joseph Estrada ng mabalitaan ang pagpanaw ng itinuturing niyang kaibigan na si dating Senator Ramon Revilla Sr.

Sinabi nito na naging malapit na kaibigan niya si Revilla dahil kapwa sila nagsimula sa pag-aaritista bago pumasok sa pulitika.

Malaki aniyang kawalan sa pelikulang Pilipino ang pagpanaw ni Revilla at tiyak nito na mag-iiwan ng magandang alaala ang dating senator sa mga pelikulang kaniyang nagawa.

Magugunitang pumanaw si Revilla sa edad, 93 nitong Biyernes matapos ang pananatili sa pagamutan ng ilang linggo.