-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19 si dating pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ayon sa kaniyang anak na si dating senator Jinggoy Estrada na nanghihina ang dating pangulo kaya ito itinakbo sa pagamutan nitong Linggo.

Bagamat stable ang kalagayan ng 83-anyos na si Estrada ay patuloy ang paghingi ng dasal nito para sa agarang paggaling ng ama.

Maging ang anak nitong si dating Senator Jinggoy Estrada ay nanawagan din ng pagdarasal para sa paggaling ng ama matapos na madapuan ito ng COVID-19.