-- Advertisements --
Muling itinakbo sa pagamutan si dating US President Jimmy Carter matapos na ito ay matumba.
Ayon sa Carter Center, nagtamo ito ng “minor pelvis fracture” dahil sa pagkatumba sa kaniyang bahay sa Plains, Georgia.
Ito na ang pangalawang beses na natumba ang 95-anyos na dating pangulo na ang una ay noong Oktubre 6 sa kaniyang bahay subalit itinuloy pa rin nito ang pagdalo sa isang charity event matapos ang isang araw na may bandage at 14 na tahi sa mukha.
Dagdag pa ng Carter Center na patuloy na gumagaling ang dating pangulo na nasa Phoebe Sumter Medical Center.
Naging pangulo ng US si Carter mula 1977 hanggang 1981.