Pinasinungalingan ni ex-South Africa President Jacob Zuma ang mga paratang laban sa kaniya patungkol sa korapsyon.
Ito ay matapos humarap ni Zuma sa paglilitis laban sa kaniya.
Ayon sa dating presidente, isang “conspiracy” umano na maituturing ang mga ibinabato sa kaniya at ginagawa lamang ito upang tuluyan siyang tanggalin sa mundo ng pulitika.
Napilitan ito na magbitiw sa pwesto bilang presidente ng naturang bansa noong February 2018.
Kaagad naman siyang pinalitan ng kaniyang deputy na si Cyril Ramaphosa, kung saan ipinangako nito na tatalakayin ang korapsyon na nagaganap sa kanilang bansa.
Ang mga alegasyon laban kay Zuma ay may kaugnayan sa kontrobersyal na pamilya Gupta na inakusahan dahil sa pag-impluwensya ng mga ito sa mga cabinet appointments at korpasyon.
Inakusahan din si Zuma nang di-umano’y pagtanggap ng suhol mula sa Bosasa company.