-- Advertisements --
Pumayag na ang gobyerno ng Sudan na ipasakamay sa International Criminal Court (ICC) ang dati nilang lider.
Ito ang napagkasunduan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Sudan at rebel groups mula sa Darfur region.
Ipapadala sa madaling panahon si ex-President Omar al-Bashir sa The Hague para harapin ang kinakaharap na kaso nito.
Inakusahan kasi ang dating lider ng genocide at war crimes sa kaguluhan sa Darfur noong 2003 na ikinasawi ng halos 300,000 katao.
Noong Abril 2019 ng mapatalsik si Bashir matapos ang panunungkulan nito mula pa noong 1989.