-- Advertisements --
Nagwagi bilang bagong pangulo ng Finland si dating prime minister Alexander Stubb.
Tinalo ng center-right National Coalition Party candidate si liberal Green Party member Pekka Haavisto.
Nakakuha si Stubb ng 51.6 percent sa botong 99.7 percent balota habang ang katunggali nito na si Haavisto ay mayroon lamang 48.4 percent.
Kilala si Stubb bilang matinding supporter ng Ukraine at kontra ito sa Russia.
Tinawag ni Stubb na ang panalo niya na bilang pinakamahalagang pagkilala sa kaniyang buhay.