-- Advertisements --

Bahagyang nagkainitan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Arlene D. Brosas sa naging ikalabing-isang hearing ng Quad-Committee ngayong araw.

Nang tanungin ni Rep.Brosas patungkol sa “Davao Style Model”, dito nagtaas ng boses ang dating pangulo dahil umano sa pagdiin na sumagot ng oo o hindi lamang para sa katanungan ni Rep. Brosas.

Agad namang sinuspend pansamantala ang hearing ni Chairperson Rep. Ace Barbers at nilinaw ang mga dapat na sundin na rules para sa naturang hearing.

Dagdag pa ng dating Pangulong Duterte na huwag umano kontrolin ang mga sagot na sasabihin niya para sa hearing.