Posibleng maharap din sa hukuman ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa umano’y pagkakanlong sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy, na kaniyang spiritual adviser.
Ito’y matapos inaresto si Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon na isa ring abogado, na ang dating pangulo bilang tagapangalaga ng mga pag-aari ni Quiboloy na una na ring inamin sa mismong TV network ni Quiboloy, ang Sonshine Media Network International, noong Marso ng taong ito nang magsimulang umiwas ang pastor sa mga otoridad ay mayruong pananagutan.
Ang dating pangulo na kasapi ng Bar ay dapat ding nalalaman ang batas na umiiral.
Iminungkahi rin ni Bongalon, dapat ding imbestigahan o kasuhan ang anak nitong si Vice President Sara Duterte, at malapit nitong kaibigang si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng obstruction of justice dahil sa pag-divert sa atensyon ng mga pulis sa paghahain ng warrant laban kay Quiboloy.
Sumuko si Quiboloy sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa loob ng compound ng KOJC.